Madlang people, malaking bahagi ng isang taong “Sampu Sample” na selebrasyon…
Bilang pagbabalik-tanaw sa sampung taong pagpapasaya ng madlang people, hatid ng “It’s Showtime” ang “Sampu Sample,” ang pinakamalaking anniversay celebration nito kung saan malaking bahagi ang madlang people at aandar ng isang buong taong puno ng mga pasabog.
Magsisimula ngayong Oktubre ang sampung sorpresa na inihanda para sa “Sampu Sample” celebration nito, na iniimbatahan ang madlang people na sumama hindi lang sa pakikisaya kundi para rin sa pagtulong sa kapwa at pagmamalasakit sa kalikasan.
Una na sa mga sorpresa ang tapatan ng hosts sa taunang Magpasikat competition ngayong buwan.
Iba’t ibang pangmalakasang gimik ang handog ng hosts sa kanilang pagkakagrupo-grupo: sina Anne Curtis, Amy Perez, at Bidaman Top 6; Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, ‘Ate Girl’ Jackie, Ion, at Stephen; Karylle, Ryan Bang, at ang GT; Vice Ganda at ang “Miss Q & A” Top 3 queens ng dalawang seasons; at sina Vhong Navarro, Marielle Rodriguez, at ang Hashtags.
Sa bawat Magpasikat performance ng bawat grupo ng hosts, kailangang magkaroon ng sampung dosena o 120 madlang people – mga ordinaryong tao at hindi celebrities – para mabigyan ng pagkakataong kuminang at magpasikat.
Bilang pagtanaw naman sa sampung taon ng numero unong noontime show sa bansa, muli nitong ibabalik ang mga segment na tumatak at minahal ng mga manonood, kabilang na ang dance competition kung saan unang nakilala ang XB GenSan.
Muli ring ilulunsad ang segments kung saan unang nakilala ang world-class champions gaya ng El Gamma Penumbra, Fourth Impact, Rachel Gabreza, at TNT Boys pati na ang Kapamilya stars na sina Onyok Pineda, Chunsa Jeung, Esang De Torres, GT, Hashtags, at ang susunod na Darna na si Jane De Leon.
Sa darating na mga buwan, maaasahan din ng madlang people ang pagbabahagi ng programa ng mas marami pang biyaya, pagdoble ng kagigiliwan sa “Mr. Q & A” at “KapareWho,” ang pagbabalik ng “Tawag ng Tanghalan,” at ang pagbisita ng buong pamilya ng “It’s Showtime” sa mga lugar sa loob at labas ng bansa.
Sa ikasampung anibersayo ng “It’s Showtime,” nakikiisa rin ito sa pangangalaga ng kalikasan sa hamon ng pagbabago nito sa madlang people.
Ilalabas ang detalye ng naturang proyekto ngayong buwan.
Samahan ang buong pamilya ng “It’s Showtime” sa isang taong selebrasyon ng ikasampung anniversary nito simula ngayong Oktubre at panoorin ang programa sa tanghali mula Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167).
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com.
Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa iwant.ph.