Noong September 25, sabay nagbukas ang mga sinehan sa Pilipinas para sa dalawang local movies na ‘Jowable’ ng Viva Films at ‘Kiko En Lala’ ng Backyard Productions, division company ng GMA Pictures.
Kung ang ‘Jowable’ ay winelcome ng mahigot 200 cinemas, ang nagpalabas naman ng ‘Kiko En Lala’ ay nasa 100 daang mahigit lang.
At tulad ng inaasahan, tumabo agad sa higit anim na milyon ang kita ng ‘Jowable’ ni Kim Molina.
Talaga namang hindi matatawaran ang galing ni Kim mula sa sidekick at ngayon sa pagiging bida na sa pelikula. Maganda rin ang mga promotions ng Viva Films at kahit mga estudyante hanggang sa mga taumbahay lang, aware na may palabas na ‘Jowable.’ Kaya hindi kataka-takang hihimig ito ng malaki sa takilya.
Kung naging maganda ang resulta ng first day ng movie ni Kim, ‘eto namang movie ni Super Tekla ay mukhang hindi kinagat ng mga moviegoers.
Akalain mo bang may nag-spill agad ng first day gross at mukhang hindi daw man lang umabot ng Php 1 million? Mukhang hindi kinagat ng madla ang nakakawindang na kayabangang statement noong presscon niya.
Kung may balitang magdadagdag pa for the weekend ang movie ni Kim, mukhang mababawasan agad ang mga kokonti na nga lang na sinehan na kumuha sa movie ni Tekla.
Hayyy buhay! Kaya iwasan ang kayabangan.