Ngayong araw na magsisimula ang movie nina Kim Molina at Super Tekla sa mga sinehan nationwide. Parehas nila itong launching movies at kahit paano ay may pressure sa kanila na mag Box Office hit.
Kung tungkol sa babaeng desperadang makahanap ng boyfriend ang ‘Jowable,’ tungkol naman sa kambal na lumaki sa karnabal ang ‘Kiko En Lala.’ Kung merong Jerald Napoles si Kim Molina, meron namang Derrick Monasterio at Kim Domingo si Super Tekla.
Si Kim Molina ay napapanood sa hit Kapamilya teleseryes na ‘Kadenang Ginto’ at ang ‘The General’s Daughter’ habang si Super Tekla naman ay main host ng ‘The Boobay And Tekla Show’ na katapat ng weekend night show ni Vice Ganda.
Let’s see kung kaninong mga fans ang mas may K gumastos para mapanood ang kanilang movies.