Maraming naloka nang biglang mag-post si Kris Aquino na open na naman ang puso niya for a love life at ang pinakanakakaloka, may Facebook siyang ginawa for males na interested. Nagset pa siya ng age na type niya from 41 to 55 at plus factor kung doctor or pilot.
“Fyi, I now have a personal FB account, BUT I only have 8 friends – so far… anybody there na gustong i-friend ako privately?
“If you’re male, please be between 41 to 55, single (pwedeng widowed, divorced, legally separated, or annulled), and if you’re a DOCTOR (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist) promise ACCEPT agad ang friend request.
“My 2 sons said okay w/ them ang pilot who has an international route- hehehe.”
Amg mga netizens naman ay kanya-kanyang suggest kay Kris Aquino what to do. Syempre maraming girls, nagreresort sa dating apps, ‘yung iba naman sa blind dates ng mga friends.
Pero ilan sa mga netizens na ito, sinuggest na sumali si Kris sa hit segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘KapareWho.’ Maraming nasa edad ni Kris ngayon ang sumasali sa game show na ito, nagbabaka-sakali na mahanap ang bagong love life at mabigyan naman ng chance na magmahal muli.
Hindi naman siguro mahirap kay Kris na magrequest kay Vice Ganda na isa sa mga hosts ng ‘It’s Showtime’ kung sakali. Why whot ‘di ba?!