in

Zanjoe Marudo, binugbog ni Paulo Avelino sa ‘Walang Hanggang Paalam’

Matitikman na ni Anton (Zanjoe Marudo) ang tindi ng galit ni Emman (Paulo Avelino) dahil dudukutin at pahihirapan siya nito hanggang mapaamin sa mga kasalanan niya ngayong linggo sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Dahil ilang beses nang nabigo sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang pamilya, napilitan si Emman na suwayin ang batas sa pag-kidnap at pag-torture niya kay Anton upang maikumpasal nito na may kinalaman siya sa sindikatong dumukot sa anak niya at ang pumatay sa kapatid niyang si Bernie (McCoy De Leon).

Lalo pang tumindi ang galit at paghihinala ng pamilya ni Emman matapos nilang matagpuan ang wallet ni Bernie sa sasakyan ni Anton.

Habang magkakagulo sina Emman at Anton, dadagdag naman sa problema ni Amelia (Cherry Pie Picache) ang eskandalo niya tungkol sa sikreto nilang anak ni Leo (Tonton Gutierrez).

Mapaamin nga kaya ni Emman si Anton tungkol sa mga kasalanan nito? Paano maaapektuhan ng eskandalo ni Amelia ang kanilang iligal na negosyo?

Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Reese Tuazon, masayang nasasaksihan ang milestones ng anak

YouLOL Comedy Night Live, may special guests!