in

XOXO, miss mag-perform nang live

Katulad ng maraming performers, nami-miss na rin ng Kapuso girl group na XOXO ang mag-perform nang live. 

Kuwento ni Lyra, iba pa rin daw kasi ang nasa stage at mayroong audience,”Sobrang na-miss po namin, iba po talaga mag-perform kapag nasa big stage ka, with all the lights and magkakasama kami. Iba ‘yung energy.”

“Nakaka-miss ‘yung makikita mong habang live ka nagpe-perform nandiyan ‘yung mga manonood na pumapalakpak sa’yo. Nakakadagdag sa confidence and stage presence mo. Kahit ‘yung pagka-busy ng studio,” dagdag naman ni Riel. 



Share naman ni Dani, isa sa challenges ng pagpe-perform via livestream ay ang mahinang internet connection, “Kaniya-kaniya kami ng record dito sa bahay tapos send po sa email. Napakadami po ng proseso pero laban lang. Kasi ginusto namin ito.”

Nami-miss naman ni Mel ang exciting challenge nang bawal magkamali dahil hindi na ito pwedeng ulitin kapag live ang performance. Lahad niya, “Kapag nagkakamali ka, walang take two. Iba rin ‘yung feeling after mo mag-perform ng live at natapos mo na, nakababa ka na ng stage.”

Samantala, maaari nang i-stream at i-download ang self-titled single ng XOXO sa Apple Music, Spotify, YouTube Music at iba pang digital stores worldwide. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Dingdong Dantes, wagi ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards

Sef Cadayona at Faye Lorenzo, makikisaya sa ‘Mars Pa More’