in

XOXO, gustong magbigay ng inspirasyon sa mga kababaihan

May bagong handog na self-titled debut single ang Kapuso girl group na XOXO under GMA Music na siguradong magugustuhan ng mga tagapakinig. Bukod kasi sa powerhouse performances nina  Riel, Dani, Lyra, at Mel, maganda rin ang mensahe ng single na inspiring para sa mga kababaihan. 

Ayon kay Riel, “We want to show them who we really are as performers as well as when we’re not on stage. We know that we cannot please everyone but we’re not going to stop pursuing our dreams. Kagaya nga po ‘nung sinabi namin sa song “no matter what they say, no matter what they do, we’re gonna keep on flying.” 
 
Dagdag pa ni Dani, nais nilang ipalaganap ang mensahe ng self-love at body positivity sa pamamagitan ng kanilang single, “We want to inspire people who are not feeling good and confident with themselves, those who think that they are not perfect or they don’t fit in sa “standards” ng society. We want to show them that it is okay to be different and each of us has our own kind of beauty.” 

Composed by Kiko Salazar, maaari nang i-stream at i-download ang ang XOXO simula bukas (September 10) sa Apple Music, Spotify, YouTube Music at iba pang digital stores worldwide. 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Kahit nagshutdown… ABS-CBN, tuloy-tuloy sa paglalabas ng bagong shows, digital concerts, at episodes ng mga teleserye

Cassy Legaspi, magkakaroon na ng sariling YouTube channel