in

Winwyn Marquez, ipinasilip ang kanyang military uniform

Excited na ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez na maging ganap na military reservist sa ilalim ng Philippine Marines. “A few more weeks,” post niya sa kanyang Instagram story habang ipinapakita ang kanyang military uniform.

Ang kakayanan daw na maprotektahan ang kanyang pamilya at bayan ang nag-udyok kay Winwyn para sumali ng Army Reserve Command.
 
Aniya, “Pero, the biggest factor was ‘yung sinabi na you can serve your country, and you can serve people. Dun pa lang hindi na ako nagdalawang-isip kasi my heart is for service. I’m not sure if people noticed this, but ‘yung path ko laging papunta doon.”
 
“Yes, I’m a beauty queen pero I see this as a new title, and I’m proud to share this with everyone — that I’m gonna be a reservist under the marines,” dagdag pa niya.
 
Samantala, puring-puri si Winwyn ng netizens sa epektibo niyang portrayal bilang mistress sa GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’. Siya ang pumapagitna sa relasyon ng mag-asawang sina Samantha (Lovi Poe) at Luis (Tom Rodriguez). Tutukan ang pagtatapos ng kanilang kwento bukas (Oktubre 16), 9:15 pm sa GMA Telebabad. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Usapang baby kasama sina Mark Herras at Nicole Donesa sa ‘Mars Pa More!’

Rocco Nacino, may sariling stay at home challenge