in

Vice Ganda, naluha sa hiling ng Weekly Winner ng ‘Reina Ng Tahanan’

Hindi napigilang maluha ni Vice Ganda matapos niyang marinig ang hiling ng nanalong weekly winner ng “Reina ng Tahanan” noong Sabado (Setyembre 25).

Kinumusta ng host ang nararamdaman ni Reinanay Aileen surname sa asawa nito matapos ibinunyag ng anak sa segment na nais nitong bumalik ang tatay nila sa kanilang pamilya.

Inamin ni Aileen na may nararamdaman pa siya para sa asawa. Tinanong tuloy ni Vice na kung sakaling may shooting star sa kanyang harapan, ano ang kanyang hiling rito.

“Sana hopefully dumating siya (ex-husband). Uuwi siya sa bahay at tatanggapin ko siya ng buong puso,” sagot ng Reinanay contestant.

Dito na naluha si Vice at sinabing sana nga ay matupad ng Diyos ang hiling ni Aileen.

“Bakit nakakaiyak yung sinasabi mo? Ang sincere sincere mo. Nararamdaman ka namin.Sana magkatotoo. Claim lang natin. Lord, bigay mo po sa kanya. Gusto siya namin maging masaya,” saad niya.

Dahil sa ipinakita niyang tapang sa pagsagot sa “Queen-troduction” hanggang sa “Inay, Thank You” round ay nasungkit ni Aileen ang titulo bilang “Reina ng Tahanan” of the week matapos makakuha ng 93.7% mula sa combined scores ng mga hurado na sina Amy Perez, Ruffa Gutierrez, at Janice de Belen.

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Thea Astley, makikipag-chikahan sa mga bigating music artists

Robi Domingo at Aya Fernandez, nagbilin sa mga kabataan ukol sa pagboto sa Halalan