in

Usapang baby kasama sina Mark Herras at Nicole Donesa sa ‘Mars Pa More!’

Tutulungan ng Kapuso mommies na sina Camille Prats at Iya Villania ang soon-to-be parents na sina Mark Herras at Nicole Donesa pagdating sa ilang ‘baby tips’ ngayong Biyernes (October 16) sa Mars Pa More.

Dahil hindi maiiwasan ang additional costs sa pag-welcome ng baby sa family, may ‘tipid tips’ na handog sina Camille at Iya para tulungan ang Kapuso couple na maghanda sa nalalapit na pagdating ng kanilang ‘Baby Boy Corky.’

Ikukuwento rin ni Mark ang kanyang bagong sneaker business at magbibigay pa ng sample kung paano niya iko-customize ang isang cute na pair ng baby shoes. Siyempre, hindi rin palalampasin ng “Bad Boy of the Dance Floor” na ipamalas ang kanyang galing sa pagsasayaw.



Tutukan ang isa na namang masayang chikahan sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa Kapuso Network!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Direk Gina Alajar, ibinahagi ang mangyayari sa character ni Sofia Pablo sa ‘Prima Donnas’

Winwyn Marquez, ipinasilip ang kanyang military uniform