in

Unang single ni Sab, tampok sa K-Drama na ‘Flower of Evil’

Pinatugtog sa kasalukuyang ipinapalabas na South Korean drama na “Flower of Evil” ang isang original Pinoy song para sa isang madamdaming eksena sa ikapitong episode ng hit tvN K-drama na pinagbibidahan nina Lee Jong-Gi at Moon Chae-Won.

Boses ng Star Music singer-songwriter na si SAB ang tampok sa awitin na kanyang launching single na may titulong “She,” isang nakakagiliw na kanta tungkol sa personal na kwento ng young artist.

Binigyang-buhay ng kanta ang eksena sa pagitan nina Gong Mi-Ja (Nam Gi-Ae) at ng kanyang apo na si Baek Eun-Ha (Jung Seo-Yeon).

Samantala, maaalala rin ng fans ng hit BL series na “Hello Stranger” ang “She” na nagdagdag ng kilig sa mga eksenang pinagsamahan nina Kookai (Vivoree Esclito) at Seph (Patrick Quiroz).

Kabilang ito sa mga naging tagumpay ng awitin ni SAB, na naging bahagi rin ng Spotify New Music Friday playlists sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Hong Kong, pati na rin sa isang Spotify Japan editorial playlist mula nang ito ay inilunsad ng Star Music noong Hulyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging bahagi ng Korean shows ang isang OPM song mula sa Star Music. Itinampok din ang “No Hearts” ng GIBBS sa music reality show na “Good Girl” at sa K-drama na “Find Me in Your Memory” ngayong taon.

Pakinggan ang “She” sa Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BTS at Beyoncé, mapapanood sa Hallypop ngayong Linggo

Direk Louie Ignacio sa pagsisimula ng The Clash Season 3: “Game!!!”