in

‘U-Turn’ ni Kim Chiu, unang mapapanood sa KTX.PH sa Okt 29

Mauna nang mag-bonding kasama ang pamilya o barkada ngayong Halloween sa advance screening ng Star Cinema horror movie na “U-Turn” na pinagbibidahan ng Millennial Horror Queen na si Kim Chiu, ngayong Oktubre 29 (Huwebes) sa KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online.

Hango sa 2016 Indian movie na kaparehas ang titulo, iikot ang kwento ng “U-Turn” kay Donna (Kim), isang reporter na umaasang magkaroon ng break. Isang araw, mapupunta sa kanya ang isang kasong aakalin niya ay suicide. Ngunit matapos ang ilang araw, isang kasong katulad nito ang mangyayari.

Sa pag-asang ito ang magbibigay sa kanya ng break, sinundan niya ang mga kaso. Pero mukhang mabilis din siyang kakarmahin dahil mapapabilang ang kanyang kapatid sa mga ‘alleged suicide’ cases.

Ngayon mas titindi ang kagustuhan niyang malaman ang misteryo ng mga kaso kasama ang boyfriend niyang si Robin (Tony Labrusca) at pulis na si Kevin (JM de Guzman).

Mapapanood ng viewers ang “U-Turn” advance screening sa halagang P150 sa KTX.PH ngayong Oktubre 29 (Huwebes) at may tsansa pa silang makita ang lead stars ng movie.

Kung hindi nila maabutan ang advance screening, maari silang bumili ng ticket para mapanood ito simula Oktubre 30 (Biyernes) sa parehas na halaga. Mapapanood nila ito sa loob ng 48 hours.

Pwede ring isama ang buong barkada sa pag-enjoy ng “U-Turn” sa pagbili ng Halloween Barkada Bundle. Kapag bumili ng tatlong tickets, makakakuha ng isa pang ticket na libre. Pumunta lamang sa KTX.PH at i-click ang “U-Turn” group buy link.

Mapapanood rin ang “U-Turn” sa SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at sa iWant TFC simula Oktubre 30.

Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Diyan Ba Sa Langit’ nina Morissette Amon, Jason Dy, at Kikx, may midnite remix

Pagsisimula ng ‘Bagong Umaga’ ng ABS-CBN agad na kinapitan ng manonood