in ,

Trailer ng ‘Limitless, A Musical Trilogy’ ni Julie Anne San Jose, pinusuan ng netizens

Marami ang nag-abang sa pagpapalabas ng full trailer ng “Limitless, A Musical Trilogy” ni Julie Anne San Jose nitong Biyernes. Hindi naman nabigo ang fans ng Asia’s Limitless Star dahil worth the wait ang trailer na nagpasilip kung ano ang mapapanood sa first leg ng trilogy na kinunan sa Mindanao. Ipinakita rito ang ilan sa magagandang tanawin sa katimugang bahagi ng Pilipinas at ang pasilip sa paglalakbay ni Julie kasama ang locals doon.

Say pa ni Julie nang ibinahagi niya sa kanyang IG account ang trailer matapos ang TV premiere nito: “There are many experiences that’s hard to describe. There are a lot of emotions that’s hard to explain. Just like my journey. Mahirap siyang ipaliwanag, mahirap siyang ilarawan. Kaya mas mabuti pa, let me show you.”

Nakipag-bonding din si Julie sa kanyang fans via IG Live kasama ang creative director ng Limitless na si Direk Paulo Valenciano, Myke Salomon, at ang director of photography na si JC Gellidon. 

Last Friday rin ini-release ang cover ni Julie sa hit song ng Hale na “Kung Mawawala Ka” at agad na itong pinusuan ng netizens! Nasa top 3 kaagad ang kanyang cover sa iTunes Philippines Chart. Talaga namang tuluy-tuloy ang blessings para sa Kapuso singer!

This September 17 na ang unang leg ng “Limitless, A Musical Trilogy” at makakabili ng tickets sa  www.GMANetwork.com/synergy 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Call Center Agents, sinagot ang tawag ng tagumpay sa ‘Everybody, Sing’

Top 30 Clashers, ready na sa bakbakan sa ‘The Clash’ Season 4!