in

Tom Rodriguez, nanibago sa pagbabalik-taping para sa ‘I Can See You’

Tila raw bagong pasok ulit sa eskwelahan ang muling pag-arte at pagbabalik-taping ni Tom Rodriguez para sa upcoming Kapuso show na ‘I Can See You: High Rise Lovers’.

Sa kanyang Instagram video, ibinahagi ni Tom na masaya siyang magbalik-trabaho kahit pa nanibagong mag-taping sa ilalim ng new normal.

Aniya, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Grabe sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko ‘yung cast ng crew. Iba pa rin talaga ‘yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom ‘yung trabaho.”