in

Thea Astley, makikipag-chikahan sa mga bigating music artists

Ang ‘The Clash Season 2’ finalist na si Thea Astley ang napiling host ng bagong handog ng GMA Network para sa mga music lovers, ang ‘Behind the Song’ podcast.

“Gusto ko po talagang magpasalamat sa GMA Network and GMA Artist Center for giving this project to me. Kasi po lagi akong nagla-livestream. I really like talking to people, learning from people and having conversations,” ani Thea.

Sa bawat episode, makikilala pa ng mga fans nang mas maigi ang ilan sa kanilang mga paboritong local at international artists. Kasama na rito sina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, SB19, BTOB, at marami pang iba!