in

‘The Gift’ ni Alden Richards, kulang pa sa promotions

Marami ang disappointed sa kinalabasan ng bagong show ni Alden Richards na ‘The Gift’ sa GMA Network.

Mula sa hit ‘Hello, Love, Goodbye’ na talagang tumabo ng malaki sa takilya at holder ng Highest Grossing Pinoy Movie of All Time, heto ngayon si Alden Richards na nangangapa sa dilim ang kanyang character na eventually ay may milagrong mangyayari, sana naman daw ay magkaroon din ng milagro sa ratings na talaga namang sadsad sa simula laban sa ‘The General’s Daughter’ ni Angel Locsin na magtatapos na in few weeks.

Kung susuriin talaga, malaki at gumawa ng ingay ang bawat kibo ni Alden habang nagpopromote siya noon ng ‘Hello, Love, Goodbye’ kaya naman kitang-kita ang epekto nito sa takilya. Malayo sa naging promotions ng GMA Network para sa kanyang kasisimula pa lamang na teleserye.

Kung tutuusin ay maganda naman itong ‘The Gift’ na pwede ihanay sa ilang magagandang Kapuso shows at ang teaser pa lamang nito ay may dating at talagang pinag-isipan. Ang kaso lang, mukhang hindi narating ang dapat nitong maging viewers dahil mahina ang kanilang promotions… Tama ba?

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim Molina at Super Tekla, naghatian sa mga sinehan! Sinong nagwagi?

Angel Locsin, tatapusin ang huling misyon sa nalalapit na pagwawakas ng ‘The General’s Daughter’