in ,

‘That’s Entertainment’ members nag-reunion sa musical film na ‘Yorme’

Muling nagsama-sama sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story ang ilan sa mga dating sikat na miyembro ng youth oriented show ni German “Kuya Germs” Moreno na “That’s Entertainment.”

May cameo role sa Yorme sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.

Gumanap naman bilang parents ni Isko sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang discoverer at talent manager ni Isko.


Kabilang dito ang kantang Naniniwala Ako ni Raikko, Nais Ko at Artista Na Ako ni McCoy, at Alam Ko Po Yon ni Xian.

May production numbers din si Janno as Kuya Germs ng mga kantang Palakpakan at Bakit Lahat Gustong Mag-artista? suot ang kumikinang nitong coats na naging trademark noon ni Kuya Germs. Of course, may konting kwento rin tungkol sa humble beginnings ng Master Showman bago siya nakilala sa industriya.

Ang pelikulang Yorme ay very entertaining dahil sa magagandang kanta at production numbers ng cast. Ipapakita ng pelikula ang mga naging struggles ni Isko nung kanyang kabataan hanggang pasukin niya ang mundo ng pulitika.
Mapapanood ang Yorme sa mga sinehan sa Dec. 1.