in

‘Tale of the Nine Tailed,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia

Mananaig ang pag-ibig sa kabila ng kadiliman sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na South Korean drama series na ‘Tale of the Nine Tailed‘ simula Oktubre 11 sa GMA Telebabad.

Kinahumalingan ng maraming viewers ang naturang South Korean drama dahil sa star-studded cast at interesting plot nito na pinaghalong romance, Korean folk tales, at horror elements. 

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Dong-wook bilang Leon, Jo Bo-ah bilang Gia, at Kim Bum bilang Ram.


Huwag palampasin ang pinakahihintay na premiere ng ‘Tale of the Nine Tailed’ simula Oktubre 11, 9:35 ng gabi sa GMA Telebabad.

Para sa iba pang mga kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.