in

Suzette Doctolero, sinisiguradong “maganda” ang ‘Kara Mia’, itatapat sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano?’

Mukhang handang-handa na nga ang GMA Network sa pagpapalabas ng kanilang viral show, sa mismong teaser pa lang, na ‘Kara Mia’ na kinatatampukan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Matapos kasing mag-viral ang trailer ng upcoming Kapuso series ay sunud-sunod na ang pagkalat ng mga memes ng Kara Mia, lalo na ang panggagaya sa itsura ng mga bidang sina Barbie at Mika – na may dalawang ulo pero iisa ang katawan.

Ang kilala namang real-talk na writer ng GMA Network na si Suzette Doctolero, inilabas nang sa February 18 na magaganap ang pilot episode ng ‘Kara Mia’ na posibleng pumalit sa malapit nang matapos na ‘Cain at Abel’ dahil napabalita naman this week na extended ang ‘Onanay.’