in

‘Sulit’ para sa lahat ang bagong Digital Box ng TV5

Mapapanood na ng mas klaro ang samu’t-saring entertainment mula sa TV5, ang Philippines’ #1 sports channel One Sports, at ang fully dedicated news channel One PH salamat sa Sulit TV—ang bagong digital TV box mula sa TV5 na maghahatid ng kumpletong Digital Terrestrial Television (DTT) experience sa bawat pamilyang Pilipino.

Gawa ng digital na ang broadcast signal; hindi lang magiging mas klaro ang reception ng mga free-to-air channels, mas malawak din ang abot nito. Basta mayroong digital TV box tulad ng Sulit TV, enjoy lahat! Maliban sa mas madali nang mapapanood ang mga paboritong free-to-air channels tulad ng TV5, One Sports, at One PH; may extra features pa ang Sulit TV tulad ng one-button recording at pag-play ng media gamit ang USB.

Mapa-entertainment, sports, o news ang hilig, may handog na ligaya ang Sulit TV sa buong pamilya mula kila nanay at tatay hanggang kay bunso. Kumpleto sa content pati sa makabagong features, ang Sulit TV ay naghahalagang P890 lamang—walang monthly fees at may kaakibat pang one-year warranty. Kaya talaga namang “Siksik sa saya para sa buong pamilya” ang Sulit TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

‘Marry Me, Marry You,’ Bini-BGYO Docu, at ‘The Gaming House’ mapapanood nang libre sa iWantTFC

GMA Network, winner sa Paragala Awards