in

Star-studded birthday treat ni Ogie Alcasid, tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Siksik sa pasabog ang “ASAP Natin ‘To” sa birthday celebration ng OPM royalty na si Ogie Alcasid, new single performance nina Moira at Ben&Ben, at debut musical performance ng new Kapamilya na si Sunshine Dizon, ngayong Linggo (Agosto 15), sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Aarangkada agad ang novelty hits performance ng inyong ASAP family, kasama sina Janine Gutierrez, Joao Constancia, Vivoree Esclito, iDolls, at marami pang iba habang may show-stopping biritan muli ang bagong kombinasyon ng New-Gen Birit Divas na sina Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, at Gigi de Lana tampok ang mga awitin ni Roselle Nava.

Maki-awit din sa mga bigating collab sa ASAP stage, tulad ng “Pasalubong” performance ng Ben&Ben kasama si Moira dela Torre; soulful jamming nina KZ kasama ang new breed of singers na sina Anji Salvacion, KD Estrada, Diego Gutierrez, Sam Cruz, at Angela Ken; malupitang kantahan at hatawan nina Iñigo Pascual at Kyle Echarri; at ang new single launch nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Davey Langit.

Hindi rin pahuhuli sa sayawan ang mga paborito ninyong Kapamilya loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Ronnie Alonte at Loisa Andalio, at Seth Fedelin at Andrea Brillantes kasama ang overseas dancing nurses na sina Nelia Paris at Amy Miranda.

Abangan ang debut ASAP performance ng bagong Kapamilya star na si Sunshine Dizon kasama sina Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, at Ogie Alcasid. May whistle showdown pa ang mga OPM diva na sina Klarisse de Guzman, Elaine Duran, and Nina.

Maki-party sa birthday blowout ng King of OPM na si Ogie Alcasid kasama sina Zsa Zsa Padilla, Moira dela Torre, Klarisse de Guzman, Erik Santos, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Huwag palampasin ang bigating all-star party na ito ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Restored Box Office Hit na ‘A Love Story,’ tampok sa Sagip Pelikula Festival

CocoJul training para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ kinakiligan at kinasabikan ng fans