in

Star Magic, may bagong Teen Barkada

Pormal nang ipinakilala ang mga bagong ka-barkada nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin sa Star Magic Plus special contract signing event ngayong Martes (Marso 2).

Sa pangunguna ni Edward Barber, natunghayan ng taumbayan ang pagpirma ng kontrata sa Star Magic ng 13 bagong teen stars na makakasama ng apat sa Squad+ upang magsilbing mga idolo ng bagong henerasyon.

Kabilang dito ang mga itinuturing na “royalty” bilang mga anak o mula sa angkan ng mga kilalang personalidad sa showbiz. Kabilang dito si Jimuel, anak ni Sen. Manny Pacquiao; Sam, anak ni Sunshine Cruz; at Nio Tria, anak ni Cherry Pie Picache.

Sumunod na rin sa yapak ng kanilang Kapamilya na si Daniel Padilla sina Analain at Ashton Salvador, na kabilang din sa Salvador showbiz clan.

Opisyal na ring bahagi ng Star Magic si Keann Johnson, ang isa sa bida ng MMFF 2020 2nd Best Picture na “The Boy Who Foretold The Stars,” pati na ang bagong singers na sina Anji Salvacion at KD Estrada na nasusubaybayan tuwing Linggo sa “ASAP Natin ‘To.”

Certified Kapamilyas na rin ang bagong teen heartthrobs na sina Renshi Rueso at Raven Rigor na magiging bahagi ng inaabangang teleserye na “Huwag Kang Mangamba” kasama ang Gold Squad.

Parte na rin ng Star Magic family ang young actress na si Danica Ontengco na napanood sa “La Vida Lena,” habang kaabang-abang naman ang ibubugang talento ng upcoming teen star na si Angelica Lao, na pangarap maging artista simula noong bata pa.

Ang teen singer naman na si Angela Ken, na unang nadiskubre dahil sa kanyang trending TikTok video, ay pumirma ng kontrata sa Star Magic at recording contract sa Star Music.

Mismong si ABS-CBN head of entertainment production at head of Star Magic Laurenti Dyogi ang nagpakilala sa Squad+ bilang pinakabagong teen barkada ng Star Magic.

Binigyang diin ni Direk Lauren sa mga bagong artista na isang responsibilidad ang mapabilang sa grupo dahil magiging role models na sila ng kabataan.

“We want you to enjoy your youth and enjoy the industry, but be responsible to our audience,” paliwanag ni Direk Lauren.

I-follow ang Star Magic sa Facebook (https://www.facebook.com/starmagicphils/), Twitter, at Instagram (@starmagicphils) at gamitin ang hashtag na #StarMagicShinesOn sa inyong posts. ‘Wag ding kalimutang mag-subscribe sa Star Magic YouTube channel (https://www.youtube.com/user/StarMagicPHofficial) para lagi kang updated. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cast ng ‘First Yaya,’ naging close agad sa isa’t isa

Tina Paner at Ysabel Ortega, magkakasubukan sa ‘Game of the Gens’