in

Snooky Serna at Dina Bonnevie, balik-taping na rin

Balik-taping na rin ang veteran actresses na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie para sa primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’. 

Sa isang Instagram video, ipinasilip ni Snooky ang ilang behind-the-scenes sa set. Makikitang kasama niya ang co-stars na sina Barbie Forteza at Jay Manalo, at ang direktor nilang si Mark Dela Cruz. 

Kapansin-pansin sa video na lahat ng artista at staff ay nakasuot ng face mask at face shield, alinsunod sa mahigpit na safety protocols.



Samantala, ipinost naman ng manager ni Dina Bonnevie na si Leo Dominguez ang ilang photos ng aktres na kuha rin mula sa taping.

Matatandaan na bago nahinto ang taping ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’, nabuking ni Caitlyn (Kate Valdez) na ang sishie niyang si Ginalyn (Barbie) pala ang bagong nagpapatibok sa puso ni Cocoy (Migo Adecer), kaya idineklara niyang friendship over na sila. 

Malampasan pa kaya nila ito? Abangan ang nalalapit na pagpapatuloy ng serye soon on GMA Telebabad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Sharea App, Makakatulong Sa Pagharap Ng Mga Pilipino Sa Pandemya

Lovi Poe, nagpasilip sa taping ng ‘I Can See You: High Rise Lovers’