in

Shocking!? Jennylyn Mercado named Dingdong Dantes’ leading lady in Pinoy ‘DOTS’

Hindi naman kasalanan ni Jennylyn Mercado ang naging premature announcement sa kanya earlier this year sa magiging adaptation ng GMA Network ng sikat na Koreanovela na ‘Descendants of the Sun.’

Ilang buwan nang pahulaan though tumatak na talagang si Jennylyn talaga ang gaganap na Dr. Maxine dela Cruz na magiging love interest ni Dingdong Dantes.

A day before the announcement, may naging pateaser pa ang GMA Network na parang kunwari walang nakakaalam na ang ending pala ay si Jennylyn Mercado pa rin kahit ilang beses na niyang itinanggi.

Anyways, bago pa magreact ang mga ayaw sa kanya, nangako na ito sa kanyang mga followers na gagawin niya ang lahat para sa ikagaganda ng role na ito.

“Hi everyone.

“Minsan lang ako magpost about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine De La Cruz of Descendants of The Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na-curious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down.

“Pangako.”

And as expected, hindi lahat ay matutuwa kahit pa mga solid Kapuso fans. Since ilang beses nang tumanggi si Jennylyn, maraming umasa na para ito sa iba pang Kapuso stars pero ang ending pa rin pala ay kay Jennylyn.

Mukhang sa next year pa ipapalabas ang kanilang teleserye kaya matagal-tagal pa itong paghahanda unless may magtapos ng maaga this fourth quarter…

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Regine Velasquez-Alcasid, Bibida sa Pelikulang kalahok sa C1 Originals

Coco Martin, papayag kayang umurong? 1st timeslot, dapat ilagay ang ‘Starla’