in

Sequel ng ‘2gether,’ sabay na mapapanood sa iWant sa PH at sa Thailand

Tuloy-tuloy ang BrightWin fever sa bansa dahil mapapanood na ng Pinoy fans ang “Still 2gether,” ang sequel ng hit Thai series na “2gether,” sa iWant ngayong Agosto 14 kasabay ng pag-ere nito sa Thailand.

Ipapalabas sa iWant ang Tagalized episodes ng “Still 2gether” tuwing Biyernes, 10:30 PM sa Pilipinas habang umeere rin ito sa Thailand. Mapapanood din ang episodes sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel tuwing Sabado, 10 PM pagkatapos ng “MMK” simula Agosto 15.

Sa “Still 2gether,” dalawang taon nang magkarelasyon sina Sarawat (Bright) at Tine (Win Metawin), ngunit susubukin ito ng selosan at awayan dahil sa mga responsibilidad nila sa university.



Lalo namang tatamis ang panonood ng “Still 2gether” dahil sa kauna-unahang OPM song cover ni Bright na “With A Smile,” ang official theme song ng “Still 2gether” sa Pilipinas.

Abangan naman ang music video premiere ng “With A Smile” ni Bright sa Biyernes (Hulyo 31), 3 PM na mapapanood sa YouTube channel ng Star Music PH at official Facebook pages ng Star Music, Dreamscape, iWant, at ABS-CBN Entertainment.

Matinding excitement na ang ipinahayag ng fans sa teaser ng OPM cover ni Bright, na isa ring musikero at nakapag-record na ng mga kanta para sa sountrack ng serye. Sa “2gether,” isa rin siyang bandista na kumakanta at tumutugtog ng gitara.

Panoorin ang “Still 2gether” sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph simula Agosto 14, 10:30 PM, at sa Kapamilya Channel sa Agosto 15, pagkatapos ng “MMK.” Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Chariz Solomon, certified foodie

Kwento ng isang model turned doctor, tampok sa ‘Amazing Earth’