in

Sef Cadayona at Faye Lorenzo, makikisaya sa ‘Mars Pa More’

Isang masayang chikahan ang naghihintay sa Kapuso viewers ngayong Martes (Setyembre 15) sa ‘Mars Pa More’ dahil makakasama nina Camille Prats at Iya Villania ang Bubble Gang stars na sina Sef Cadayona at Faye Lorenzo.

Sa mga gustong maging fit at healthy ngayong quarantine, sagot na ni Faye ang inyong kahilingan dahil ibabahagi ng Kapuso actress ang kanyang home workout.

At dahil sarado pa rin ang karamihan sa car wash services, ituturo naman ni Sef ang tama at epektibong paraan upang linisin ang inyong kotse sa bahay.



Siguradong bubuhos din ang katatawanan sa pag-react ng apat sa mga trending photos at memes online sa ‘Nakita Mo Na Ba ‘Yun, Mars?’

‘Wag magpahuli sa good vibes at tumutok sa fresh episodes na hatid ng ‘Mars Pa More’, Lunes hanggang Biyernes, 8:45AM, sa Kapuso Network! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

XOXO, miss mag-perform nang live

Winwyn Marquez, back to work na rin