in

Sanya Lopez, happy sa simple birthday celebration

Ipinagdiwang ng Kapuso star na si Sanya Lopez ang kaniyang ika-24 na kaarawan kahapon kasama ang pamilya. Simple ngunit masaya ang naging celebration ng aktres kahit nasa bahay lang. 

“My wish on my birthday is for everybody to be safe all the time,” ang simple ngunit makabuluhang wish ng aktres. 

Inulan din siya ng well wishes mula sa mga kaibigan sa showbiz, kabilang na ang kaniyang “bida-bida sib” na si Jak Roberto, Lovi Poe, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Kate Valdez, Max Collins, at marami pang iba.

Samantala, napapanood pa rin si Sanya bilang si Danaya sa rerun ng 2016 primetime

series na ‘Encantadia’ sa GMA Telebabad. Happy birthday, Sanya!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Thea Tolentino, may bagong baby!

Gabbi Garcia, YouTube millionaire na!