in

Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, at Irma Adlawan, parte ng cast ng ‘2 Good to Be True’

Makakasama ang tatlo sa mga premyadong aktor ng bansa na sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, at Irma Adlawan sa inaabangang seryeng “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“I’m happy to be part of this project. I’m looking forward to working with such a great group. I’m sure we are going to have fun, so this is going to be good,” pagbabahagi ni Ronaldo na huling nasilayan sa seryeng “Precious Hearts Romances presents: Los Bastardos” noong 2018.

Isa namang reunion project ang “2G2BT” para kina Gloria at Direk Mae na huling nagkasama sa “Unbreakable.” Sabi ng unang Miss Universe ng bansa,”I am very excited to do this project and work in a bubble setup.”

Bukod sa kanila, makakasama rin sa reunion project ng KathNiel ang mga beteranong aktor na sina Romnick Sarmenta, Gelli de Belen, Cris Villanueva, Smokey Manaloto, Matt Evans, Jenny Miller, Pamu Pamorada, Krystel Fulgar, Yves Flores, at Alyssa Muhlach pati na ang Rise Studios Artists na sina Gillian Vicencio at Bianca de Vera.

Sa ilalim ng produksyon ng RGE unit ng ABS-CBN Entertainment, isa na namang hindi malilimutang kuwento ang mapapanood ng mga Kapamilya at susunod sa mga naging matagumpay at dekalibreng mga serye ng produksyon katulad ng “Bagong Umaga,” “Ipaglaban Mo,” “Nang Ngumiti Ang Langit” at “Pamilya Ko.”

Abangan ang bagong seryeng pupukaw sa atensyon ng mga manonood malapit na sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC.

Para sa updates, sundan lamang ang RGE Unit sa Facebook (RGE Drama Unit), Twitter (@rgeunit), at Instagram (rgeunit) at ABS-CBN PR sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Debut album ng BINI, mapapakinggan na ngayong Oktubre 14

Hiling ni Ogie Alcasid na maghost sa ‘It’s Showtime,’ nagkatotoo