in

Rocco Nacino, may sariling stay at home challenge

 
Sa latest vlog ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, ipinasilip niya sa fans ang kaniyang unang gabi sa bago niyang bahay.

Parang naging house tour ang video dahil inikot ni Rocco ang netizens sa iba’t ibang sulok ng kaniyang new place. Prepared na prepared siya at may dala pa siyang mga beddings, food, at iba pang mga gamit para maaliw siya habang nag-iisa.
 
Kuwento niya, “Ni-ready ko yung mga gamit ko, nagdala ako ng konting pagkain, sana hindi napanis. May tubig, nagdala ako ng mga damit, ie-experience ko ito ngayon. Ito ang Rocco Nacino stay at home challenge! First night ko dito ever!”
 
Samantala, malapit na malapit nang mapanood muli si Rocco sa pagbabalik ng “Descendants of the Sun PH” sa GMA Telebabad. Abangan!
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Winwyn Marquez, ipinasilip ang kanyang military uniform

Confrontation scene nina Lovi Poe at Winwyn Marquez sa ‘I Can See You,’ trending!