in

RK Bagatsing, nag-propose ng kasal kay Mylene Dizon sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Desperado nang manalo sa halalan si Miguel (RK Bagatsing) kaya naman nag-alok na siya ng kasal kay Eva (Mylene Dizon) sa harap ng mga botante ng bayan ng Hermoso sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Patuloy na ginagatasan ni Miguel ang love story nila ni Eva para gamitin ito sa pangangampanya, kahit pa alam na niyang dinadala ni Eva ang anak nila. Kahit na hindi umoo si Eva sa mismong proposal niya, patuloy na nagkukunwari si Miguel na mahal niya si Eva at na bubuo sila ng isang masayang pamilya.

Habang ipinagmamalaki ni Miguel ang tagumpay ng publicity stunt niya, inaayos na rin ng pamilya niya ang pagbabaon sa katotohanang siya ang nakasaksi sa pagkamatay ni Mang Caloy (Soliman Cruz) at na siya ang humahabol rito bago ito nasagasaan.


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.