in

Rhian Ramos, inalala ang masasayang ganap sa taping ng ‘Stairway to Heaven’

Sinariwa ni Kapuso actress Rhian Ramos ang masasayang kaganapan noong nagte-taping sila para sa seryeng Stairway to Heaven noong 2009.

18-years old lamang si Rhian nang gumanap siya bilang si Jodi na love interest ng karakter ni Dingdong Dantes na si Cholo. Masaya raw palagi sa set noon lalo pa at lagi ring wagi sa ratings ang serye.

Dahil taga-Alabang, si Rhian daw ang pinakamalapit sa set noong panahon na nagshu-shoot sila sa Enchanted Kingdom.

Dahil dito, madalas daw silang padalhan ng pagkain ng kanyang mommy. Bukod pa rito, lubos na na-enjoy ni Rhian ang pagte-taping sa isang amusement park.

“Ino-on nila ‘yung rides para lang sa amin. Kami lang ‘yung tao sa theme park. Kunwari sasabihin namin, ‘Gusto kong mag-Anchors Away,’ and siyempre bagets pa ‘ko noon ‘di ba? Gusto ko lagi. Ino-on nila para lang sa amin,” kuwento ni Rhian.

Habang tigil muna sa taping ng Love of my Life, tutukan si Rhian sa Stairway to Heaven tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chariz Solomon, may sweet birthday message para kay Direk Bert De Leon

Hindi lang sa TV… ’24 Oras,’ number 1 din online!