in

Rhian Ramos, gaganap na madre sa ‘Wish Ko Lang!’

Isang madreng mahaharap sa matinding pagsubok ang karakter na gagampanan ni Kapuso actress Rhian Ramos sa Wish Ko Lang ngayong Sabado (July 24).

Sa kuwento, namatay sa aksidente ang buong pamilya ng madre na si Grace (Rhian) at ng kapatid niyang si Michelle (Ayeesha Cervantes). Akala nila tapos na ang kanilang paghihirap, pero naging biktima pa ng karahasan si Michelle. Babalik si Grace sa kumbento pero nagbago na siya, ayaw na niyang maging isang madre. Sa kanyang pag-alis ay ipapaalaga sa kanya ang dalagang magpapaalala sa kanyang kapatid. Siya si Pauline (Althea Ablan) na gaya ni Michelle ay isa ring rape victim. Magkakaroon ng special bond sina Pauline at Grace, pero unti-unti ring madi-discover ni Grace na sinasapian pala ng demonyo si Pauline.

Kuwento ni Rhian, nag-enjoy raw siya sa pagganap niya sa karakter para sa anniversary episode ng Wish. “Ang ganda nung pagkasulat ng script which always makes my job easier kasi naging klaro yung emotions, and naramdaman ko talaga yung emotions na pinagdaanan niya sa kuwento,” say ng Kapuso actress.