in

Rhian Ramos, aminadong isa nang ‘quarantita’

Dahil sa ilang buwan na ring nasa bahay lang muna, maraming new hobbies na nasubukan ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Para maging busy at productive sa bahay, ni-revive ni Rhian ang kanyang YouTube channel para ibahagi sa fans ang iba’t ibang activities na kanyang pinagkakaabalahan.

Ilan sa vlogs na patok sa netizens ay ang kanyang skincare routine, pag-bake ng brownies at pag-tie dye ng kanyang mga damit.

Kaya naman aminado si Rhian na dahil sa hobbies na ito ay isa na siyang ganap na ‘quarantita.’ Caption niya sa kanyang IG post, “Baking, skincare, dresses, flowers.. Who am I? I like it. I’m getting my quarantita on.”

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-trabaho para sa serye na Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven na magtatapos na ngayong Biyernes, August 14, 3:25PM, sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gil Cuerva, pangarap maging sportscaster

Netizens, aliw sa Q&A vlog ni Carmina Villarroel kasama ang mga kapatid