in

Reinanay mula sa Muntinlupa, kinoronahan bilang unang ‘Reina Ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina’

Nauwi ni Reinanay Julianne Torres ang titulo bilang kauna-unahang “Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina” ngayong araw (Nobyembre 20).

Siya ang napilng koronahan bilang pinakanatatanging ina matapos niyang nakuha ang pinakamataas na total combined scores na 96.8% mula sa choosegados na sina Amy Perez, Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, at special guests na sina Elisse Joson at Gloria Diaz.

Bilang kauna-unahang “Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina,” nanalo siya ng P300,000, isang brand new house and lot mula sa Lumina, isang negosyo package mula sa UrbaniTea na nagkakahalagang P248,000, alahas mula sa Manila Diamond Studio na nagkakahalagang P112,000, at koronang dinisenyo ni Manny Halasan. Nakakuha naman ng P100,000 at jewelry set ang first runner-up na si Leona Andersen at P50,000 at jewerly set ang second runner-up na si Lilia Aban.


Sinubaybayan naman ng netizens ang grand finals at nagtrending din ang hashtag ng show na #TangingReINAngTahanan sa Twitter Philippines.

Samantala, abangan ang pagsisimula naman ng ika-anim na season ng “Tawag ng Tanghalan” sa Lunes (Nobyembre 22).

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.