in

‘Prima Donnas’ stars, may sorpresa sa kanilang fans!

Tiyak na mas masaya at exciting na mga kaganapan ang aabangan ng fans ng Prima Donnas sa kanilang online get-together sa ‘Prima Donnas: Watch From Home’ ngayong araw (July 3). 

Bukod kasi sa masayang chikahan at kulitan ng cast, may surprises din sila sa kanilang mga masugid na tagasubaybay na hindi dapat palampasin! 

Sa mga naunang online show nila ay sumabak sa matinding aktingan ang Prima Donnas teen stars kasama si Katrina Halili na gumaganap bilang Lilian. From bida to kontrabida si Jillian Ward nang gampanan nito ang karakter ni Kendra (Aiko Melendez) na siyang nagpapahirap sa buhay nilang mga Donnas sa serye. 

Naging emosyonal naman si Will Ashley nang gampanan nito ang karakter ni Jaime Claveria (Wendell Ramos). Pinamalas din ng ilan pang Prima Donnas teen stars na sina Althea Ablan, Elijah Alejo, Vince Crisostomo, Julius Miguel, at Miggs Cuaderno ang kanilang husay sa pag-arte. 

Muling mapapanood ang ‘Prima Donnas: Watch From Home’ ngayong araw, July 3, 5PM, sa YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Bahaghari’ ni Julie Anne, #1 sa iTunes pre-order chart

Mikael Daez, masaya na naging Kapuso