in

Popstar Royalty at Box Office Queen Sarah Geronimo bibida sa isang full-length dog movie na pinamagatang ‘Unforgettable’

Isa na namang pangarap ni Sarah Geronimo ang natupad.

Ang Poststar Royalty at Box Office Queen ay bibida ngayon sa isang full-lenght dog movie na pinamagatang ‘Unforgettable’.

Ang Konsepto ay mula sa dalawang direktor nito na sina Jun Lana, ang multi-awarded at internationally acclaimed director nang Die Beautiful at Bwakaw, at Perci Intalan, award-winning filmmaker ng Bwakaw, Distance, at Dementia.

Ang asong ka-eksena ni sarah ay si Milo, ang Jack Russell Terrier na sumikat dahil sa mga vieal videos nito.

Si sarah ay gumanap bilang Jasmine.

Patungo siya ng Baguio upang dalhin ang asong si Happy sa kanyang lola na may malubhang sakit.

Isang malaking biyaya ang pag dating ni Happy sa buhay ni Jasmine kaya naniniwala ang dalaga na mapapagaling rin nito ang kanyang lola.

Sa kanilang paglalakbay patungong City of Pines, makatutulong ang talas ng memorya ni Jasmine at ang di-pangkaraniwang kakayahan ni Happy sa iba’t-ibang tao na kanilang makikilala.

Dahil sa kanila, magbabago ang ilang buhay.

Patutunayan ng pelikulang ito ang katagang ‘Iba siyang magmahal’.

Tumutukoy ito sa espesyal na ugnayan ng tao at ng kanyang alaga, ang pagmamalasakit sa kapwa, at ang pag sasakripisyo para sa pamilya.

Ito ang mga klase ng pagmamahal na tumatatak sa puso’t isipan.

‘It’s a different role. Very challenging for me,’ and saad ni sarah sa isang panayam matapos niyang makamit ang PMPC Best Actress award para sa kanyang mahusay na pagganap sa ‘Miss Granny’.

Makakaasa naman ang mga popster na binigay ni sarah ang lahat para sa pelikulang ito.

Sa Katunayan, ipinag malaki siya ni Direktor Jun sa kanyang Twitter post noong June 6: ‘I know Sarah just won Best Actress. But her performance today is a whole new level of brilliance. #onetakeactress #unforgettableday2’

Noong nakaraang taon, ang wonder dog na si Milo ay lumabas sa pelikulang ‘Fantastika’ ni Vice Ganda. Simula nuong 2017, nakita na siya sa ilang TV programs kung saan nagpamalas siya ng iba’t-iabng galing tulad ng rolling, spinning, playing dead pag-tanggal ng medyas ng kanyang amo, pagmasahe, at pagdadasal bago kumain.

Hindi kataka-taka na laging excited si Sarah na makasama si Milo ng simulan niyang i-train ito.

Bigating supporting cast ang isa sa pinagmamalaki ng pelikulang ito.

Sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial at Gina Pareño ay ilan lamang sa mga una nang nabanggit na kasama sa ‘Unforgettable’.

Saksihan ang ‘di malilimutang kwento ng pagmamahal.

Palabas na ang ‘Unforgettable’ sa mga sinehan simula October 23, 2019.

Mula Viva Films.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

“Mukha akong Ate ni Carlo” Maine Mendoza may napagtanto

‘Matanglawin’ at ‘Kwento’ series ng Knowledge Channel, wagi sa SINEBATA 2019 Awards