in ,

Pokwang, makaka-chikahan si Camille Prats sa Knorr Nutri-Sarap Kitchen

Alamin ang sikreto sa likod ng makulay na karera at pagiging hands-on mommy ng Kapuso comedienne na si Pokwang sa Knorr Nutri-Sarap ngayong Linggo, Setyembre 26.

Pagkukuwento ni Pokwang, galing siya sa isang malaking pamilya at mayroon siyang labing-isang kapatid. Kahit na salat sa hirap, sinigurado pa rin daw ng kanilang Nanay Gloria na busog sila hindi lang sa pagmamahal kung hindi pati na rin sa masusustansiyang pagkain.

Sa episode, ibabahagi ni Pokwang ang recipe ng Nutri-Sarap Ginisang Monggo dish na madalas ihanda sa kanila ng kanilang nanay.