in

Piolo Pascual, magbabalik-‘ASAP’ na ngayong Linggo

Humanda sa isa nanamang bigating afternoon party, tampok ang engrandeng pagbabalik ni Piolo Pascual sa ASAP stage, at ilan pang world-class treats mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Enero 9) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Tapos na ang paghihintay ng Kapamilya fans dahil balik “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo ang ultimate heartthrob na si Papa P para sa kanyang engrandeng birthday blowout kasama sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Abangan din ang reunion ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” celebrity housemates, tampok ang nakakaantig na musical performance ng Final 5 nitong sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Madam Inutz, Samantha Bernardo, at Brenda Mage, kasama rin ang ex-housemates na sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Shanaia Gomez, Eian Rances, Karen Bordador, Jordan Andrews, Benedix Ramos, John Adajar, Albie Casiño, at Chie Filomeno.


Tuloy-tuloy ang kantahan sa ’90s biritan ng New Gen Birit Divas na sina Janine Berdin, Sheena Belarmino, Lara Maigue, at Elha Nympha, habang magpapasiklab muli si Morissette sa kanyang pangmalakasang musical performance.

At pakatutukan din ang ilan pang bigating OPM collab, tulad ng senti kantahan nina Moira dela Torre at iDolls; at ang makatindig balahibong duet mula kina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez.

Patuloy na salubungin ang 2022 sa isa nanamang star-studded comeback party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.