in

Pilot episode ng ‘Regal Studio Presents,’ pumatok sa viewers at netizens!

Wagi sa Kapuso viewers ang kauna-unahang episode ng biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’ kung saan tampok ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez.

Double trending ang first offering ng GMA at Regal na “That Thin Line Between,” at parehas pasok sa Top Trending list ang mga hashtags na #KenSanyaRegalStudioPresents at #GMAREGALStudioPresents sa Twitter!

Lubos namang nagpasalamat sina Ken at Sanya sa lahat ng mga tumutok sa kanilang episode.