in

Patricia Tumulak, co-host ni Emil Sumangil sa bagong news magazine show ng GTV!

Isa ang Kapuso host na si Patricia Tumulak sa mga pumirma sa pinakamalaking contract signing ng GMA Artist Center kamakailan. Kabilang siya sa long list of artists na nanatiling loyal sa Kapuso Network.

Hindi naman ito pagsisisihan ni Patricia dahil bukod sa di siya nababakante sa mga acting role sa TV series ay mayroon pa siyang upcoming hosting project sa ilalim ng GMA Public Affairs. Ito ang news magazine na “Dapat Alam Mo!” kung saan si Patricia ang magiging co-host ng beteranong news reporter na si Emil Sumangil.

Bilang news magazine ang show, combo ito ng news at lifestyle stories–“mahahalagang balita at mga makabuluhang kuwento”–say nga sa teaser nito. Curious tuloy kami sa magiging chemistry nina Emil at Patricia. Magaling na host si Patricia while si Emil ay talaga namang subok na sa paghahatid ng balita.