in

Pancho Magno, ready nang magbalik-trabaho para sa ‘I Can See You’

Nakahanda nang sumabak sa taping ang Kapuso actor na si Pancho Magno para sa weekly series na ‘I Can See You: Love on the Balcony.’

Makakasama niya rito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at versatile Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith. 

Sa panayam ng 24 Oras, naikuwento ni Pancho na doble ang paghahanda ng aktor sa kanyang pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal. “Nandu’n ‘yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab testing kami and I do take my vitamins everyday rin naman. Nag-e-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na sobrang healthy.”

Samantala, aminado si Pancho na very hands-on sila ng asawang si Max Collins sa pag-aalaga kay Baby Skye Anakin. Nakatutok si Max sa pagbe-breastfeed kay Skye habang si Pancho naman nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanilang baby boy. 

“Lagi siyang nakadikit. Sobrang Mama’s boy, e. Pero kapag ako nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, tina-try ko kung ano man ‘yung magagawa ko, except sa breastmilk,” dagdag pa niya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rita Daniela, nagbigay-pugay sa kanyang ina

Arra San Agustin, sinuportahan ang negosyo ng mga seafarer