in

Pagtatapos ng ‘Endless Love,’ ngayong Biyernes na!

Ngayong Biyernes (Setyembre 24), saksihan ang nakakaantig na finale ng GMA primetime series na ‘Endless Love’ na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa patuloy na paglala ng kondisyon ni Jenny (Marian), ipinaalam ng doktor kina Johnny (Dingdong) at sa kanyang pamilya na wala ng lunas ang sakit ng dalaga.  

Sa halip na magpadala sa lungkot at galit, pinatawad na ni Jenny si Shirley (Nadine Samonte) sa lahat ng mga nagawa nito sa kanya sa pag-asang makapagsimula silang muli. Bumisita rin ang kanyang dating nobyo na si Andrew (Dennis Trillo) upang kumustahin siya.

Kahit na alam ni Johnny na bilang na ang kanilang oras ni Jenny, humiling pa rin siya na pahabain pa ang kanilang mga natitirang sandali.

Tunghayan ang pagtatapos ng ‘Endless Love’ ngayong Biyernes, 8:50 PM, sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kumu Livestreamers, pwedeng maging celebrity housemate sa ‘PBB Kumunity’

Apila ni Sheryn Regis: ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’