in

Pagsasama nina Dimples Romana at Miko Raval, masisira ba?

Magkakalamat na kaya ang relasyon nina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval)?

Sa hindi inaasahang panahon, nakita nga ni Dan ang asawang kausap si Mayor Troy Ramones sa hit seryeng “Viral Scandal” nitong Miyerkules (Dis. 1).

Ngunit hindi alam ni Dan na nakipagkita lang ang asawa para kumprontahin ang mayor matapos malaman ni Kakay ang koneksyon ni Atty. Laura Dizon (Ria Atayde) kay Troy. Napagtanto nga niya na galing kay Troy ang abogado matapos mabuksan ni Laura (Ria) ang usapan tungkol sa nangyari sa kanya noong 17 taong gulang siya.

Sigurado siya na tanging si Troy lamang ang may alam sa sikretong iyon.Dahil sa mga nalaman, desidido na siya na hindi na kunin si Laura at humanap ng iba.

Sa kabilang banda, unti-unti nang nakilala ng manonood ang karakter ni Kyle (Joshua Garcia). Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa kanyang isipan si Rica at patuloy pa rin siyang nagbabakasakaling makita ito. Mas magiging posible naman ito lalo pa at magbubukas siya ng kanyang business sa Sidero na Balai Arkitektura.

Kokomprontahin kaya ni Dan ang asawa sa nakita? Hindi na kaya magbago ang desisyon ni Kakay at tuluyan ng palitan si Atty. Dizon?

Patuloy naman ang pagpuri ng netizens sa “Viral Scandal” at sa galing ng pag-arte ng cast members. Araw-araw ngang trending topic ang hashtags ng episode. 

Subaybayan ang “ViralScandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Edu Manzano, mahal pa rin si Cherry Pie Picache sa ‘Marry Me, Marry You’?

Trabahanap, may handog na pagmamahal at trabaho para sa Pilipino ngayong Pasko