in

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, sumubok ng bagong tunog sa kantang ‘I L Y’ kasama si DJ M.o.D.

Para sa OPM icons na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid. tuloy lang ang ebolusyon nila bilang music artists sa bagong single nila kasama si DJ M.O.D. na “I L Y.”

Para sa OPM icons na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid. tuloy lang ang ebolusyon nila bilang music artists sa bagong single nila kasama si DJ M.O.D. na “I L Y.”

Kaiba sa mga nakasanayan nilang tunog, upbeat, at pwedeng umindak sa bagong kanta ng real-life couple na nagsisilbi ring patunay na hindi sila natatakot sumubok ng bago sa harap ng mga pagbabago sa ‘taste’ ng mga makikinig.


“Very refreshing to hear from Ogie and Regine,” comment ni Ma. Pippa. “Ang ganda ng song and beat,” dagdag ni Ashley Jheanne Casano.

Nagsimula rin ng dance challenge sa TikTok para sa kanta ang co-host ni Ogie sa “It’s Showtime” na si Vhong Navarro, kung saan ang hashtag na #ILYDanceChallenge ay mayroon na ngayong mahigit 515,000 views.

Noong 2021, inilabas ni Ogie ang mga komposisyon niyang “Pasko ng mga Pinoy” at “Thank You, Pa” habang ini-record naman ng ‘Asia’s Songbird’ ang “’Di Ka Nag-iisa” para sa official soundtrack ng“FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pakinggan ang kanta nina Ogie, Regine, at DJ M.O.D. na “I L Y” sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).