in

Ogie Alcasid at Moira dela Torres, nagsama para awitin ang praise at worship song na ‘Beautiful’

Maghahatid ng mensahe tungkol sa kadakilaan ng Panginoon sina Ogie Alcasid at Moira Dela Torre sa awiting “Beautiful,” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Agosto 14) mula sa Star Music.

“Dumating lang siya sa akin isang araw na naglalaro ako ng ilang chords sa piano. Nagtuloy-tuloy lang yung pagdaloy ng lyrics na para bang sinasabi ni Lord sa akin na lahat ng ginawa Niya para sa atin ay maganda at dakila,” ani Ogie.

Ayon sa singer-songwriter, una niyang isinulat ang “Beautiful” noong 2019 bago niya tinanong si Moira na makipag-collaborate sa kanya para sa kanta. Pero nitong nagkaroon ng COVID-19 pandemic lang nagkaroon ng final version ang kanta, sa tulong ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siyang nag-mix at nag-reengineer dito.

“Itong pandemya ang nagsilbing backdrop ng buong kanta. Habang nasa bahay tayong lahat, pinapatuloy din tayo ni Hesus na bumalik sa Kanya. Meron Siyang plano at palaging maganda ang plano Niya,” dagdag ni Ogie.

Ipinunto naman ni Moira kung paanong naging napapanahon ang kanta sa ngayon. “Napakaganda niyang paalala na sa kabila ng mga pagsubok, meron tayong makapangyarihang Diyos na ginagawang maganda ang lahat sa oras Niya,” sabi niya.

Kamakailan lang ay nakiisa sina Ogie at Moira sa kapwa nila Kapamilya artists para sa bagong bersyon ng “Ililigtas Ka Niya” para sa “Pantawid ng Pag-Ibig” campaign ng ABS-CBN. Nakipag-collaborate din si Ogie nito lang Abril kasama ang asawa niyang si Regine Velasquez at mag-partner na sina Jaya at Gary Gotidoc para sa worship song na “Live for Jesus.”

Dalawa lamang sina Ogie at Moira sa mga mang-aawit sa ilalim ng ABS-CBN Music, na tahanan ng marami sa mga pinakamagagandang OPM music sa bansa.

Purihin ang kadakilaan ng Diyos at pakinggan ang “Beautiful” nina Ogie at Moira simula ngayong Biyernes (Agosto 14) sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Chris Tiu, excited sa bagong episode ng ‘iBilib’ ngayong Linggo

GMA Pinoy TV, maraming sorpresa sa 15th anniversary!