in

Netizens, excited na sa pagbabalik-studio ng ‘All-Out Sundays’ stars!

Puno ng exciting games at all-out performances mula sa naglalakihang Kapuso stars ang GMA musical-comedy-variety program na ‘All-Out Sundays’ sa pagbabalik-studio nito ngayong Linggo (September 27).

Matapos ang ilang buwan na pagte-tape ng ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ sa kani-kanilang mga bahay, last Sunday ay masayang inanunsyo ng ilang cast members ang kanilang pagbabalik-studio.

Maraming netizens naman ang excited nang makita at mapanood muling mag-perform on stage ang AyOS Barkada, “YAAAS! Balik-studio na ang AOS next Sunday!”



Tiniyak naman ng cast members na magbabalik-studio at lahat ng bumubuo ng programa ang maingat nilang pagsunod sa safety protocols at guidelines habang nasa set.

Bukod sa pasabog na performances, may bagong guests din na hindi dapat palampasin! Tumutok na sa ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo, sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7 at official social media pages ng GMA Network. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Comments

0 comments

Rocco Nacino, emosyonal sa surprise ng girlfriend

Rhian Ramos, sumalang na rin sa taping para sa ‘I Can See You’