in

Music video ni Jayda Avanzado, wagi sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Nasungkit ni Jayda ang Best Music Video award sa ginanap na International Film Festival Manhattan (IFFM) 2021 para sa kanyang “Paano Kung Naging Tayo?” music video na nagsilbi ring directorial debut niya.

Sa isang pre-recorded award acceptance speech, nagpasalamat si Jayda sa independent film festival sa New York para sa pagkilala at sa mga taong bahagi ng produksyon ng music video.

“I’d like to give thanks on behalf of my co-director Edrex Clyde Sanchez, his team ECS Films, my label Star Music, and everybody involved in this project. We appreciate this recognition of our hard work and passion,” aniya.

Nagpahatid din siya ng pasasalamat kay ABS-CBN Music head Roxy Liquigan at sa mga tagasuporta niya at nangakong umpisa pa lang ito ng pagsabak niya sa pagdidirek.

Samantala, kasabay ng pagkapanalo nito sa IFFM 2021, umabot na rin sa isang milyon ang views ng “Paano Kung Naging Tayo?” sa YouTube. Sa emosyonal na video, katambal ni Jayda ang dating “PBB: Otso” housemate na si Rhys Miguel.

Bukod sa “Paano Kung Naging Tayo?,” nominado rin sa Best Music Video Category ng IFFM 2021 ang music video niya para sa “M.U. (Malabong Usapan)” kung saan tampok ang kapwa niya ABS-CBN talent na si Francine Diaz.

Sa bagong panalo na ito, patuloy lang ang matagumpay na taon ng Kapamilya singer-songwriter, na nagpasiklab sa kanyang kauna-unahang major concert at naglabas ng kanyang debut studio album ngayong 2021. Sa international recognition na ito, kasama na rin si Jayda sa mga kapwa niya artists na unti-unting nakikilala sa ibang bansa sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ibida ang talento ng mga Pinoy sa buong mundo.

Para sa iba pang detalye sa musika ni Jayda, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, at Joshua Garcia bibida sa seryeng tungkol sa kontrobersyal na videos sa ‘Viral Scandal’

’24 Oras’ ‘sakalam’ pati sa TikTok!