in ,

‘MPowered’ ni Maymay Entrata, mapapanood sa digital concert niya sa November 26

Mula sa matagumpay niyang “Amakabogera” single at music video na may halos 1 milyong views na sa YouTube, balik-concert stage naman si Maymay Entrata sa digital concert niyang “Mpowered,” na mapapanood na sa Nobyembre 26 (Biyernes) sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

Kasabay ng selebrasyon ng ikalimang taon niya sa industriya, ipapakita ni Maymay sa kauna-unahan niyang virtual concert ang growth niya bilang singer-performer na puno na ng kumpiyansa sa sarili.

“Maipagmamalaki ko po na labis ang paghahanda namin dito at marami kaming pasabog na ngayon ko lang gagawin,” patikim ng Kapamilya artist sa mga dapat abangan sa concert, kung saan mas bongga at kaabang-abang ang mga inihanda niyang production numbers.

Makakasama ni Maymay sa “Mpowered” ang mga kapwa niya young artists na sina Darren Espanto at AC Bonifacio, ang matalik niyang kaibigan at social media sensation na si Mimiyuuuh, at ang ‘King of Philippine Acoustic Pop’ na si Nyoy Volante.

Bago ang concert na ipinrodyus ng ABS-CBN Events, una nang naglabas ng matagumpay na self-empowering singles na “’Di Kawalan” at “Amakabogera” si Maymay, na parehong makakasama sa upcoming album niya mula sa Star Pop ng ABS-CBN.

Mabibili ang regular tickets na nagbibigay ng access sa mga manonood sa main concert sa halagang P299. P899 naman ang VIP at P1399 ang SVIP, na may kasamang special Zoom after party admission kasama sina Maymay at hosts na sina DJ Jhai Ho at Edward Barber.

Maging “Mpowered” na kasama si Maymay at panoorin ang kanyang digital concert na mapapanood worldwide 8:30 PM (PHT) sa Nobyembre 26 (Biyernes) at may rerun kinabukasan (Nobyembre 27), 10 AM PHT sa KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘TV Patrol,’ ipinakilala ang mga bagong kasama

‘Wish Ko Lang!,’ kaabang-abang ang line-up ngayong Nobyembre!