in

‘Misty,’ gabi-gabing tinututukan sa GMA Telebabad

Simula pa lang ng nakakaintrigang kuwento nito pero pinag-uusapan na ang Korean drama series na Misty na napapanood sa GMA Telebabad. Sa katunayan, isa sa trending topics sa Twitter Philippines ang hashtag na “#MistyOnGMA” noong Lunes, June 29, kasabay ng pilot episode ng programa.

Kuwento ng isang fan, “I watched this 2 years ago and I must say it is one of the best and unique Koreanovela stories. The title says it all. Now watching #MistyOnGMA, oh how I miss Tae Wook [Tommy Kang] and Hye Ran [Arianne Go].”

Samantala, hindi inakala ni Arianne na darating ang panahon na malalagay sa alanganin ang kanyang pangalan sa larangan ng kanyang propesyon. Ano kaya ang plano niya upang makabawi? Abangan ‘yan sa Misty pagkatapos ng ‘Meant To Be’ sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Legaspi twins, Kyline Alcantara, at Andre Paras, maghaharap sa ‘Quiz Beh!’

Kapuso singers, may jamming session ngayong Biyernes