in

Miss World PH 2021 live na mapapanood sa iWantTFC, KTX.PH,TFC IPTV

Makikilala na kung sino sa 45 na naggagandahang dilag ang kokoronahang bagong Miss World Philippines 2021 sa gaganaping coronation night ngayong Sabado (Hulyo 25), 6 PM (Manila time) live sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Live ding maglalaban-laban ang mga kandidata sa Okada Manila para sa anim pang titulo, gaya ng Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Environment Philippines, Miss Eco Teen Philippines, at Miss Tourism Philippines.

Bago naman ang coronation night, rarampa rin ang mga beauty queen sa Gala Charity Ball na ipapalabas din nang live sa Huwebes (Hulyo 22), 6 PM (Manila time) sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.


Saksihan ang koronasyon ng Miss World Philippines 2021 ngayong Hulyo 25 ng 6 PM sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com.